Una sa Balita

Maine, Arjo relasyon aprub kay Ria Atayde  

0 2,122

abante-i-know-better-jun-nardoNagpakawala ng mis­teryosong tweet ang sister ni Arjo Atayde, si Ria, tungkol sa pagdi-date ng dalawang single na tao. Eh, nataon ang tweet niya nang ku­malat ang balitang spotted si Arjo kasama si Maine Mendoza sa isang bar sa BGC, Taguig City nitong nakaraang mga araw.

“If a guy and a girl are both single, they should be able to date whoever they want. And a genuine sign of support is if you let them, if you accept it and if you become happy for them even if they don’t go for the person you are rooting for. Just my two cents,” tweet ni Ria.

Bale second time nang naispatan na magkasama sina Maine at Arjo. Hindi nakaligtas sa hagupit ng social media trolls si Arjo dahil sa pagdi-date nila ni Meng.

Hind naman nagpadaig ang ilang Alden-Maine supporters. Inilabas din din nila ang pagdi-date minsan ng dalawa sa isang five-star hotel sa Pasay City, huh!

Dinepensahan naman ng ilang mga follower ng Phenomenal Star ang pagsasama nila ni Arjo.

 

Bianca niligwak; Kyline, Therese magbabakbakan

Laglag muna si Bianca Umali sa bagong series na gagawin ni Kyline Alcantara. This time, ang award-winning young actress na si Therese Malvar ang makakbakbakan niya, huh!

“Para raw po kasi kaming younger version nina Nora Aunor at Vilma Santos!” pahayag ni Kyline nang makausap ng press sa launching niya bilang ambassadress ng produkto ng Symply G.

Hindi naman daw siya naaandap kay Therese kahit na nga marami na itong nahakot na awards.

“Hindi naman po ako nakikipag-compete sa ibang tao. Pinagbubuti ko lang palagi ang work ko. I only compete with myself,” rason ng Millenial favourite.

Habang hindi pa sinisumulan ang bagong series, regular na napapanood si Kyline sa dalawang shows kapag Linggo, ang Sunday Pinasaya sa tanghali at Studio 7 sa gabi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy