Una sa Balita

Maine, Arjo nag-date sa Amerika

By
0 1,037

“Save the best stop for last.”

Ito ang caption ni Arjo Atayde na date nila ng kanyang girlfriend na si Maine Mendoza sa Amerika.

Mismong si Arjo ang nag-post ng kanilang romantic date ni Maine pero hindi nabanggit kung saang parte ng States sila nagkita at kung saang resto silang nagkita.

Ang Kapamilya actor ay nasa Virginia dahil bahagi siya ng entourage ng show ni Maja Salvador, samantalang ang phenomenal star naman ay nasa New York para sa ilang event ng kanyang ini-endorse na lipstick brand.

At hayun, naganap na nga ang maaaring kinatatakutan o kinaiinisan ng AlDub nation dahil hindi nila gusto si Arjo para kay Maine. Kita sa mukha ni Maine ang sobrang kaligayahan habang nakaupo sa isang table for two na may wine at salad.

For sure, handang-handa na ang dalawa, lalo na si Arjo sa magiging epekto nito sa AlDub Nation na kung ilang buwan na rin niyang sinasalo ang mga bashing ng mga ito pero dahil mahal nga niya si Maine, kebs niya kung muli siyang bira-birahin ng mga ito.

Ang mahalaga ay ipinaglalaban niya ang pag-ibig niya kay Maine na mukhang tanggap na tanggap naman ito ng babaeng sentro ng buhay niya ngayon. Korekek!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy