Una sa Balita

Maine, Arjo magkatuwang sa pagtulong sa mahihirap

0 331

Parang unti-unti ay natatameme ang mga fan na galit na galit kay Arjo Atayde (dahil feeling nila ay sinira nito ang AlDub tandem). Kunsabagay, u­nang-una na nga ay hindi naman sila pinapansin nina Arjo at Maine Mendoza.

Na kahit ano pa ang pagwawala, pagmumura na gawin nila, tuloy lang sa pagsasama sa ligaya sina Arjo at Maine.

At siguro rin, kaya medyo natauhan na ang iba ay dahil nakikita rin naman nila na hindi talaga iniiwan ni Arjo si Maine. Kaya ang ibang mensahe sa social media, ramdam mo na tanggap na nila si Arjo para kay Maine, at marami na ring papuri ang ibinabato nila sa binata ni Sylvia Sanchez.

Anyway, recently nga ay bongga na naman ang mga video, photo na naglabasan na kung saan ay nagmistula talagang kargador si Arjo, dahil sa pagtulong kay Maine. Si Arjo nga kasi ang isa sa mga faci-litator sa special fund-raising project ni Maine Mendoza last Sunday (July 14), ang “Shop Bid Donate 4”.

Ginanap nga ito sa Edge of Light Studio (Quezon City), na kung saan ay ang mga pre-loved items ni Maine ang binenta. Ang kinita nga ay ibibigay sa mga less fortunate na mga kabataan.

“Pack up! Thanks to everyone who came and showed support thru purchasing multiple items at #ShopBidDonate4 today! Rest assured proceeds will be used for my ‘happy projects’ to help the less fortunate. Thank you so much!” sabi ni Maine sa kanyang Instagram story. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy