Una sa Balita

Maine, Arjo hiwalay sa Pasko

0 650

Sagaran hanggang sa Monday ang taping ng “Pamilya Ko”, kaya sa Tuesday na ang pahinga ni Sylvia Sanchez. Bale magki-Christmas Eve lang sila dito ng kanyang pamilya at sa Christmas day mismo ang alis nila pa-Dubai, United Arab Emirates.

“Complete kami, lahat kasama, pati si Arjo (Atayde),” sey ni Sylvia nang makatsikahan ko kahapon sa pamamagitan ng Messenger.

Bale hanggang New Year na raw sila sa Dubai.

Teka! Sabi niya, complete sila, kasama ba ni Arjo si Maine Mendoza?

“Hindi,” sey ni Sylvia.

Marahil mag-i-spend na ng quality time for Christmas sina Arjo at Maine bago umalis ang una pa-Dubai.

Bongga!

Pamilya Schiavone bongga ang buhay sa Italy

Alam mo, Dondon, iba talaga ang mga Pinoy, iba ang hospitality natin!

Alam mo, ‘katuwa ang mother nina Assunta at Alessandra de Rossi, si Nenita Schiavone, dahil nang dumalaw ako sa kanila sa Martano (province of Lecce, Italy) ay sobrang asikaso niya ako.

Nang dumating ako sa Brindisi (hindi pala sila sa lugar na ‘yon nakatira, ‘yon lang ang airport na malapit sa kanila, actually, almost an hour away), si Luigi Schiavone na tatay nina Assunta at Alessandra ang sumundo sa akin kasama ang bunso nilang si Isabel Schiavone.

Hindi sumama si Mommy Nenita sa pagsundo dahil busy siya sa pagluluto ng mga ipapakain sa akin. Pagdating nga sa bahay nila, ang bongga, dahil napakaraming Italian dishes na inihanda ang nanay nina Assunta at Alessandra, kaya busog talaga ako!

Noong sa Philippines pa sila nakatira, palaging kasama sa mga shooting at taping ng magkapatid si Mommy Nenita, kaya naging friends niya ang maraming mga reporter.

“Nahihiya ako sa‘yo,” sabi ni Mommy Nenita na sinagot ko naman ng, “Ako nga lang ang nakikibakasyon dito sa bahay n’yo!”

Actually, sa ilang beses kong pagpunta sa Italy ay ilang beses ko na ring gustong dumalaw kina Mommy Nenita at Daddy Luigi, pero ngayon nga lang natuloy ‘yon.

Saka touched din ako kay Isabel dahil kahit paalis siya pa-Amsterdam para dalawin ang ate na si Maggie ay nilibot niya ako sa downtown ng Lecce kasama ang long-time boyfriend niyang si Antonio.

Napakaasikaso ng pamilya Schiavone like Assunta and Alessandra rin.

Si Assunta, palagi ko namang nakakasama dahil alaga nga siya ni Annabelle Rama, pero si Alessandra, kahit paminsan-minsan ko lang siyang nakakasama, mabait din.

Mukhang “gerera” lang ang dating ni Alessandra, pero sweet din naman ‘yan!

Sabi sa akin ni Mommy Nenita, sa mga anak niya, sina Assunta at Isabel ang magkaugali at sina Alessandra at Maggie naman ang pareho.

Sa mga kuwento pa ni Mommy Nenita, suwerte sila ni Daddy Luigi sa mga anak nila dahil hindi pinasasakit ang mga ulo nila.

“Ang mga anak ko, palagi nila akong pinagkakatuwaan. Mababait ang mga ‘yan,” sabi ni Mommy Nenita.

Nang mag-decide raw sila na bumalik ng Italy at naiwan sa Philippines sina Assunta at Alessandra, sa lugar na raw ‘yon sila tumira, pero nag-stay muna sila sa in laws niya.

“May bahay naman kami sa taas ng in laws ko, pero ipinatayo namin ito at after a year kami nakalipat. Si Sam (Assunta), nakapunta na sa bahay na ito noong 2006 kasama si Jules (Ledesma) at bumalik siya ng 2015 kasama si Alex (Alessandra). Ay, tatlong beses na palang nakauwi si Sam, kasama rin si Alex, noong kinumpilan si Isabel.

“Si Alex naman, madalas dito,” sabi ni Mommy Nenita.

Uuwi raw si Mommy Nenita ng Philippines by April, kaya excited siyang maka-bonding uli sina Assunta at Alessandra.

Ang sarap nga palang magluto ni Mommy Nenita at sa kanya mana si Alessandra sa pagluluto. Ok na ok daw ang mga pagkaing ine-experiment ni Alessandra.

Actually, si Assunta nga ang nakatikim ng mga pagkaing niluluto ni Alessandra.

Season pass sa MMFF binawasan

Babawasan na raw ang season pass na ipamimigay ngayong Metro Manila Film Festival 2019. Mas lalakas kaya sa takilya ang right official movie entries kung mababawasan na ang mga libreng papasok sa mga sinehan?

Ako, ke may season pass o wala, type kong panoorin ang “The Mall, The Merrier” nina Vice Ganda at Anne Curtis na maraming pasabog, plus ang “Miracle In Cell No. 7” ni Aga Muhlach na feeling ko ay napakaganda dahil sa feedback, plus ang “3Pol Trobol” nina Coco Martin at Jennylyn Mercado.

Sana ‘yung supporters ng ibang mga artista na may filmfest entries din, maglaan ng pampanood para maging matagumpay ang MMFF 2019, ‘noh?!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More