Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maine, Arjo hiniritan ng apo ni Sylvia

0 377

Pinost ni Sylvia Sanchez ang chikahan nila ng bunsong anak na si Xavi.

Sabi kasi ni Xavi sa kanya, “Mommy I’m taller than you na.”

“Bigla akong nalungkot. Hahahaha!” sabi ni Sylvia.

“Xavikok my baby no more!” hirit pa ni Sylvia.

Pero, heto nga ang kinaaliw ng mga fan na chika ni Sylvia:

“Hintay na lang talaga ako ng apo ko. Ehem, ehem, ehem. Hahahaha!” sabi ni Sylvia.

Siyempre, kanino pa ba siya nagpaparinig ng ‘apo’ kundi kay Arjo Atayde, at siyempre kay Maine Mendoza. Wala naman dyowa si Ria Atayde, at bata ang iba niyang anak, kaya malabo pa sa kanila.

Eh, sina Arjo at Maine nga ang balitang-balita na nagbabalak na ring lumagay sa tahimik, lalo na siguro kapag nanalo na si Arjo sa eleksiyon ngayong May 2022.

“But in the meantime, habang wala pa ehem, ehem. Sila Soji, Zola, Lulu, Ellie, Callie, Georgie, Hailey, Matilda, and Bucky muna ang mga babies ko,” sabi niya.

Well, ano kaya ang masasabi nina Arjo at Maine? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.