Una sa Balita

Maine, Alden gustong pagsabungin ni Bitoy

By
0 3,901

Inaambisyon pa rin nina Michael V. na makasali ang AlDub loveteam sa 3rd season ng Lip Sync Battle Philippines na magsisimula sa April 1.

“Sa kanila nag-originate. Kasi sa kanila naman nagsimula, ‘di ba? Gusto kong makuha namin sila. Sana masingit sa schedules nila,” pahayag ni Michael V. sa press launch ng show.

Si Iya naman, gusto niyang makasali sina Mel Tiangco at Mike Enriquez na kasama niya sa 24 Oras.

“Lagi niyang wini-wish ‘yan! Ha! Ha! Ha!” susog ni Bitoy.

“Magagalit si Tita (Mel) sa akin. Tatanggalin na niya ako sa Chika Minute! Ha! Ha! Ha!” biro ni Iya.

Iya, Drew nangangamoy hiwalayan

Noong ginawa ni Iya ang nakaraang season, buntis siya sa panganay na anak nila ni Drew Arellano na si Primo. This time, buntis siya sa second baby nila.

Kung sakalaing sumali raw si Drew bilang contestant, “Baka magkahiwalay na kami nu’n! Kasi pareho kasing sobrang competitive eh! Kung kailangan kong tumambling kahit buntis ako, ay, tata-tumbling talaga ako! Ha! Ha! Ha!” bulalas ng TV host-actress.

Sa bagong season ng LSBP, magkakaroon ng tinatawag na 3-way battle at thematic episodes na magpapatindi ng head to head challenge ng celebrity contestants.

Derek bibida sa Netflix series

Mapapanood sa Netflix ang ginawang series ni Brillante Mendoza tungkol sa problema sa drugs na pinagbibidahan ni Derek Ramsay. Ang Netflix ang nangungunang internet-based entertainment company.

Siyempre pa, hindi lang mga Pinoy viewer ang makakapanood nito kundi pati na ang mga foreign viewer.

Sa pahayag ni Mendoza sa launching nito, “Foreign viewers will get acquainted with our stories and culture on a different platform beyond the film festival circuits.”

Sa Instagram post ni Derek, nakasaad ang, “Can’t wait for #AMO directed by @brilliante_mendoza to come out on Netflix this April 9.”