Una sa Balita

Mailap na lotto prize, pambili ng sariling lupa at bahay

By
0 332

Aabot na sa isang bilyong piso ang mailap na premyo sa 6/58 Ultra Lotto !

Box office hit ang lahat ng lotto outlet dahil sa haba ng nakapila. Lahat ay nagbabakasali. Lahat ay umaasam na mabunot ang kanilang mga numero at maging instant billionaire nga­yong araw.

Lahat ay nanggigi­gil na masungkit ang napakalaking premyo.

Abante Hiring – IT dep

At ano ba ang una nilang bibilhin kapag sila ang pinalad na manalo? Walang gatol na sasagot ang mga kababayan natin na si­yempre, lupa at bahay. Tiyak na wala pong pupusta sa akin dahil sigurado tayo na iyan ang top answer. Dapat pa bang i-memorize ‘yan?

Marami talagang Pilipino ang patuloy na umaasa sa lotto at mga katulad na sugal upang makaahon sa kahirapan at makabili ng sariling lupa at bahay.

Kung epektibo at maaasahan lang sana ang mga programang pabahay at iba pang mga serbisyong panlipunan sa ating bansa, walang dahilan ang pangkaraniwang Pilipino na iasa ang kanyang kinabukasan sa lotto.

Related Posts

Bagong direksyon

Seleksyon!

Digong’s magic

Nitong mga nakalipas na linggo, sunod-sunod ang mga anomalya sa mga proyektong pabahay sa bansa.
Pati pabahay para sa ating mga pulis at militar, hindi pinatawad, hindi pinalampas.

Bakit nangyayari ito? Simple lang po, dahil sa kapabayaan at katiwalian sa Natio­nal Housing Authority (NHA).

Nakakagalit. Kailan ba pagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang ganitong mga isyu? Gaano katagal pa ba magtitiis ang ating mga pulis at militar? Ang mga maralita sa ating mga lungsod at ‘yung libo-libong biktima ng taunang sakuna at kalamidad?

Akala ko, uso lang ang mga fixer sa mga gilid-gilid ng city hall, ng Land Transportation Office (LTO) at iba pang ahensya ng gobyerno na may mabagal na proseso ng transaksyon na mapupuwersa kang magbayad para lang mapadali ang nilalakad na mga dokumento.

Kahit pala NHA ay napasok na ng mga fixer. Ganito na ba kalala ang sistema sa NHA? Sobrang nakakagalit.

Sana lang, maramdaman ng mga lider natin sa gobyerno ang paghihirap ng ating mga kababayan para kilusan nila ang mga progra­mang pabahay. Pagsikapan natin na magkaroon ng mga makabuluhang reporma sa mga programang pabahay nang sa ganu’n ay hindi na kailangang umasa ang mga kababayan natin na manalo sa lotto para magkaroon ng sari­ling lupa at disenteng ta­hanan.