Una sa Balita

Maiingay, aroganteng senador dapat palitan – Duterte

By
0 1,140

Dapat mapalitan na ang mga maiingay at aroganteng senador.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng patuloy na batikos at banat ng ilang senador na kritikal sa kanyang mga ginagawa at pagpapatakbo sa bansa.

“The others should be replaced. They are noisy and arrogant. Anyway, what have they done for our country?” anang Pangulo.

Hindi man pina­ngalanan ng Pangulo ang tinutukoy na mga senador ay batid na ng publiko kung sino ang pinatutungkulan nito.

Kung siya aniya ang tatanungin ng mga kritiko kung ano ang nagawa bilang lingkod-ba­yan, sinabi ni Pangulong Duterte na maipagmamalaki niyang an­yayahan ang mga bu­mabatikos sa kanya na pumasyal sa Davao City para makita kung gaano ka-disiplinado ang mga Dabawenyo pagdating sa peace and order.

“Visit Davao. Go around Davao for 24 hours. Inday imposed a rule that nobody is allowed to be out and about on the streets by 12 midnight. Everyone will be arrested. So ­everybody stays at home. Davao is so ­quiet. Everybody feels like Good Friday,” pagmamalaki ng Pangulo.