Una sa Balita

Mahuhuli sa vape walang kulong — PNP

0 432

HINDI ikukulong ng pulisya ang mga mahuhuling gumagamit ng vape o e-cigarette sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa, kailangan pa ng executive order para maparusahan ang lumalabag sa EO26 o smoking ban.

Kahapon ay nilinaw ni Gamboa ang inilabas na memorandum kaugnay sa panghuhuli sa mga gumagamit ng vape o e-cigarette.

Paliwanag ni Gamboa, bagama’t aarestuhin ng mga pulis ang mga vape user ay hindi naman ikukulong o kakasuhan ang mga ito.

“We can arrest but we cannot punish,­ arrest in not punishment, pagkatapos hulihin ay ibo-blotter sa istas­yon ng pulisya ang mahuhuling vape user at pagkatapos ay pakakawalan,” paliwanag ni Gamboa.

“If you include vape in that executive order is actually an expansion of the definition of smoking, kaya nga sabi ko pwedeng iimplement agad because it’s an expansion of the definition of smoking,” ayon pa sa opisyal.

Matatandaang kamakalawa ay naglabas ng memorandum si Gamboa na nagdeklara sa lahat ng kampo ng pulisya na no vape zone.

Inutusan din nito ang mga Criminal­ Investigation and Detection­ Group (CIDG), regional director at police regional office na arestuhin ang gumagamit ng vape. (Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More