Una sa Balita

Mahiwagang ilog swak sa tag-init

0 274

Ramdam na ang medyo mainit na klima natin mula pa nu’ng Huwebes nitong Linggo kaya naman ma­dami na sa atin ang nag­hahanap ng mapupuntahang paliguan kapag talagang sumapit na ang tag-init.

Bukod sa mga nag-gagandahang dagat dito sa Pilipinas. Gusto ko din maihatid sa inyo ang mga kakaiba at hindi pa ninyo masyadong napapansin na lugar o paliguan. Kaya naman ngayong Sabado hatid ko ay isang magical at kamangha-manghang sapa na sinasabing misteryoso.

gical na lugar sa buong mundo? Ano ang itsura nito? At hangang saan nga ba ang batayan upang ito ay tawaging magical na lugar?

Dadalhin ko kayo sa inyong pantasyang lugar mga Ka-Abante. Ito ay ang misteryosong Enchanted na ilog dito sa Pilipinas. Ito ay tinawag na mahiwagang ilog dahil­ sinasabing dito daw naninirahan ang mga sirena at mga fairy. Hindi ba parang ito ay eksena sa Peter Pan na kung saan nakatira ang mga serena at mga fairy? Na kung tawagin nila ay Never Land.

Ang never land ng Pili­pinas ay matatagpuan sa parte ng Mindanao. Ang dumadaloy sa tubig ng ilog nito ay nanggagaling sa dagat ng Philipine Sea at Pacific Ocean sa Barangay Talisay, Hinatuan, Surigao del Sur.

Ang Enchanted na Ilog ng Hinatuan ay nakatago sa kagubatan na hindi agad-agad mapapansin. Isang misteryoso nga itong matuturing dahil na din sa ito ay napapalibutan ng mara­ming puno.

Ang tubig nito ay sobrang linaw na kung saan kapag ikaw ay luma­ngoy dito para ka ng nakalu­tang sa kalawakan at kapag ikaw ay sumisid parang nasa ibang dimension ka na ng mundo dahil na din sa kulay nitong royal blue na may halong kulay jade. Ang lalim ng ilog na ito ay makapigil hininga din na 80 feet at ang haba nito sapat na para masa­bing ilog.

Ang isa sa kamang­ha-mangha rito ay maalat ang tubig na isang misteryo para sa mga turista kung bakit maalat ang ilog na ito. Ang paniniwala ng mga taga­roon, ang tubig daw ay nanggaling sa bunga­nga ng nasa ilalim na kuweba at inilalabas nga daw nito ang tubig ng ilog.

Maraming misteryosong kuwento pa ang nabuo sa lugar na ito na pinaniniwalaan din nilang mara­ming engkanto na nagbabantay dito kaya ang tubig ay napapanatiling malinaw at malinis. Mga duwende at dryad na pinaniniwalaang nakatira sa mga puno ng balete at acacia. At may mga ilang residente rin daw na nakakakita sa mga sirenang lumalangoy dito, mga espiritu at fairy.

Kaya naman talagang dinarayo na ng mga turista ang Mahiwagang ilog na ito sa Pilipinas dahil bukod sa mga misteryosong kuwento nito ay talaga namang masasabi kong iba ang ganda nito sa lahat ng ilog na aking­ nakita.

Ayan mga Ka Trip Mo, Trip ko isang mahiwagang lugar ulit ang maari ninyong puntahan at ma-enjoy! Kung kayo ay nakapunta na rito at may kakaibang istorya, maaari ninyo akong i-tag sa aking twitter account.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More