Una sa Balita

Mahinhing tita nasa loob pala ang kulo

0 278

Kumusta sa inyong lahat! I’m Jim ng Makati City. I have a tsismis po about my tita na akala ko super conservative lalaki, ‘yun pala eh maharot at suki pa ng gay bars sa Timog. Tawagin na lang natin siya sa pangalan, Tita Matilda. Professor po siya sa isang sikat na university sa Manila. She’s 45 and still single. Ang sabi, ‘di na raw nakapag-asawa dahil puro trabaho ang nasa utak.Pero ang tsismis naman sa amin, ‘di nag-asawa si Tita dahil sobrang pihikan. Hehehe! Noong una akala ko talagang mahinhin si Tita, kasi nga may na­ging BF naman siya kaya lang buwan ang itinatagal at mula noon ay na­ging dedma na siya sa mga boys.

Kaya akala ko naging man hater na siya.Hanggang sa last week may nagsabi sa akin na tambay daw ng gay bars sa Timog si Tita. ‘Di rin ako naniniwala sa kuwento ni Justin, kapitbahay ko na waite­r na nagtatrabaho sa gay bar sa Timog.

Sabi para raw malaman ko kung totoo o hindi, tumambay daw ako sa Timog at pumunta nga ako sa isang gay bar doon.

Sa sulok lang ako, nag-abang at tama nga ang sinabi ni Justin dahil kitang-kita ko si Tita na may ka-table na lalaki, guwapong lalaki. Noong malasing na nga si Tita, panay na kiss niya dun sa boylet niya.

Bandang ala-1:00 am na yata ‘yun, lumabas si Tita ng bar kasama ‘yung lalaki. Sumakay ng taxi at ‘di ko na alam kung saan sila pumunta.

Siyempre magmo-motel ‘yun.Tama nga sila. Certified matron si Tita. Sabi pa nga ni Justin, 3x times a week kung pumunta sa gay bar na pinapasukan niya sina Tita at syota nga raw niya ‘yung Marlon na dancer.

Iyan lang po ang masi-share ko. Salamat sa chance.

Jim ng Makati

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More