Una sa Balita

Mahinang statement ni Duterte sa South China Sea dispute

By
0 145

Iginiit ng Ambassador Marciano Paynor Jr. na hindi malamya at lalong hindi mahina ang statement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Association of Southeast Asian (ASEAN) Summit patungkol sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Ayon kay Paynor na siyang tumatayong Director-General For Operations ng ASEAN Summit 2017, patas at para sa interes ng mga Filipino ang magiging batayan ng pahayag ng Pangulo.

Alinsunod sa draft ng statement, bibigyang-diin umano ang kahalagahan ng kapayapaan, katatagan, seguridad at freedom of navigation sa South China Sea.

Layon din umano nitong himukin ang lahat ng sea claimants na resolbahin ang territorial disputes sa mapayapang paraan.

Bagama’t wala sa nasabing draft  ang arbitral ruling laban sa China na ipinanalo ng nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino .

Paliwanag ni Paynor, hindi confrontational ang istilo ni Pangulong Duterte kaya huwag nang asahan ang palabang Duterte sa isyu ng South China Sea lalo na sa pagpupulong ng mga state leaders sa ASEAN Summit.

Nilinaw din ni Paynor na ‘work in progress’ pa lamang ang Chairman’s Statement at posibleng marami pang mabago. Ang Chairman Statement na babanggitin ni Pangulong Duterte sa closing ng ASEAN

Leaders’ Summit sa Sabado, April 29.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More