Una sa Balita

Mahilig sa karera ng kalapati, kontakin si Joel Regalariona

By
0 123

KUNG hindi ka mahilig sa kalapati, iisipin mong boring ang pag-aalaga dahil wala ka naman mapapala.

Subalit maraming nagsasabing nakaka-engganyo ang mag-alaga ng kalapati dahil bukod sa nalilibang ay natutuwa pa sila lalo na kapag isinasali sa kompetisyon.

“Yung balikan ka ng alaga mong kalapati mula sa malayong paglalakbay ay ang saya ng pakiramdam, minsan naiiyak ako kapag dumating sila na pagod na pagod at gutom tapos nakatingin sa iyo na parang humihingi ng pagkain,” saad ni Patrick Agustin na sumasali sa mga small time na karera.

Sinabi pa ng 18-anyos na si Agustin, nais niyang sumali sa malalaking karera pero hindi pa nito alam kung anong asosyon ang nasasakupan ng kanyang lugar.

“Pero bago ako sumali sa mga derby, ite-train ko muna ang mga alaga ko, kasi para sa akin bonus na lang yung manalo, ang importante sa akin ay makabalik ang mga alaga ko, ‘yun ay para na rin akong nanalo,” ani Agustin.

Tinatayang nasa 80 mahigit na ang Pigeon Clubs sa Pilipinas at ayon kay Pigeon Racing expert Joel Regalariona, puwedeng salihan ang Pigeon Club na nasasakupan ng iyong lugar.

Kung taga-Maynila, maari kang sumali sa Manila Racing Pigeon, Inc. (MRPI).