Una sa Balita

Mahigpit na seguridad sa Rio dama ng Pinoy athletes

0 117

RIO DE JANEIRO — Maayos na nakarating dito ang unang anim sa 12 atletang Pinoy na sasabak sa Rio Olympics matapos ang mahabang 25-oras na biyahe mula Maynila.

Pagdating dito, hindi nakaligtas sa mata ng mga atleta sa pangunguna ni flag-bearer Ian Lariba ng table tennis at ilang opisyal, ang police visibility mula sa airport.

Gayundin ang mga military personnel na naka-fatigue uniforms na armado ng malalakas na armas na siyang nagmamando ng mga pa­ngunahing kalsadang daraanan ng mga delegasyong unti-unti nang dumara­ting sa pagdarausan ng Summer Games.

Kasama ni Lariba sa biyahe sina Elaine Alora (taekwondo), Jessie Khing Lacuna (swimming), Marestella Torres (track and field) at Hidilyn Diaz at Nestor Colonia (weightlifting).

Ang police visibility, ilang araw bago ang August 5 opening ng Summer Games, ay bunga ng security threats, peace & order problems gayundin ang nakamamatay na Zika virus.

Ang iba pang Pinoy qualifiers na darating sa Rio ay kinabibilangan nina boxers Rogen Ladon at Charly Suarez, na nag-training sa US; runner Eric Cray na magbubuhat sa Houston, habang si swimmer Jasmine Alkhaldi ay buhat sa Hawaii.

Manggagaling naman si marathoner Mary Joy Tabal sa Japan at si golfer Miguel Tabuena ay darating matapos ang King’s Cup event sa Thailand.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy