Una sa Balita

Mahigit 90k pulis ikakalat ngayong Holy Week

0 251

UMAABOT sa 91,201 pulis ang ikakalat ng Philippine National Police (PNP) para sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Holy Week bilang bahagi ng ‘ligtas sumvac 2019’.

Sa isinagawang press briefing kahapon, sinabi ng PNP chief General Oscar Albayalde, ang mga pulis ay naka-duty ay naka assign sa route security, target hardening at security operation partikular sa mga ‘places of convergence’ at iba’t ibang mga terminal ng sasakyan sa 17 rehiyon sa buong bansa.

“As the 3-month summer season gets underway with the traditional Holy Week holiday ushered by the celebration of Palm Sunday yesterday, I am pleased to report significant updates of our Ligtas SumVac 2019 law enforcement and public safety operations,” pahayag ni Albayalde.

Sa ngayon ayon pa kay Albayalde, mayroon na silang na-monitor na 23 insidente kung saan 15 ang nasawi habang 13 pa ang sugatan. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy