Una sa Balita

Mahalin ang trabaho niyo!

Payo ni Boss Buddy Encarnado:

By
0 840

PAGPUPUGAY sa St.Claire sa pa­giging kampeon ng Hard to Guard Showcase U-25 tournament nang talunin nila ang Arellano Chiefs sa iskor na 83-64.

Pinagbidahan ng trio ng SCC sa pagpuntos nina Bitoon 17 pts., Fontanilla 17pts. at Dionisio 21pts.
At sa Arellano Chiefs naman congrats din para sa 2nd place.

Nag-umpisa na rin ang basketball intertown sa Pampanga na kasalukuyang ginagawa sa convention center.

***

Maglalaro ng exhibition game ang PBA Legends sa ANDA, Pangasinan. Ito ay sa imbitasyon ng da­ting PBA Player na si Chris Calaguio.

***

Pupunta ang PBA Legends sa Bocaue, Bulacan para sa isang fun game naman.

***

Opening na rin ng Millenium Basketball League (Open Conference) ni Pareng Ed Andaya.

***

Habang naghihintay kami ng aking mga kasama na PBA Legends sa Max’s Tien­desitas nakasalubong namin ang isa sa mga matagal nang naging team manage­r ng Sta. Lucia basketball team na si Boss Buddy Encarnado.

Matagal-tagal na ka­mustahan es­peciall­y sa mga good old days ng PBA at mga kwento ni Boss Buddy sa experience niya kasama si Marlou Aquino.

Madami pa rin siyang mga advise sa aming mga retired ball player at sa mga nagpapatakbo ng liga ngayon.

Nandu’n pa rin iyong mga salitang, “Mahalin ang trabaho niyo” at “‘Wag ka­yong makakalimot sa mga tumulong sa inyo.”
Words of wisdom. Mabuhay ka Boss Buddy.

‘Yung mga nagpapaliga diyan libre si Boss Buddy para tumulong at maisaayos ang anumang paliga diyan.
Nakilala namin ka­gabi si Mayor Pley­to ng Sta. Maria Bulacan at siyempre ang masugid na tagasuporta ng Malolos Agilas na si Mayor Christian Natividad.