Una sa Balita

Mahalaga na may sapat na batayan ang ating mga paniniwala

By
0 261
Nakababahala ang resulta ng Ipsos survey na isa sa pinaka-inaccurate ang mga Pinoy sa larangan ng paghahayag ng balita sa kabila ng pagiging social media-savvy ni Juan. Ayon sa Perils of Perception 2017, ikatlo ang Pilipinas sa pagkakaroon ng mala­king agwat o pagkakaiba sa pagbabalita ng mga pangyayari sa katotohanan. 
 
Lumabas sa pag-aaral, halimbawa, na konti na lang ang naniniwala sa langit, samantalang sa totoong buhay, mas marami pa rin sa Pilipinas ang may pana­nampalataya sa Diyos sa kabila ng kahirapan. Ang over o under estimation ng actual figures ayon sa ahensiya ng mga isyu ay may ‘di maipagkakailang epekto sa pagbabalita at social media. 
 
Bukod sa paniniwala sa Poon, tinalakay din sa survey ang pagpansin ng mga respondent ukol sa murder rates ng mga bansa, terrorist deaths, teenage pregnancy, dia­betes at kung gaano kalusog ang pakiramdam ng mga nakiisa sa pag-aaral. 
 
Nangunguna sa listahan ng Ipsos ang South Africa at Brazil sa pagiging ‘ignorante’ pagdating sa kaalaman sa mga tampok na paksang pinagtatalunan sa lipunan; samantala, ang Sweden at Norway naman ang mga bansang pinaka-accurate sa pag­lalathala ng facts. 
 
Nakakamangha, saad ng Ipsos, ang ipinamalas na kumpiyansa ng mga kalahok sa mga pinanghahawakang paniniwala, ayon man o hindi sa totoong lagay ng mundo. Napakalaki ng ‘discrepancy’ sa actual figures ang mga estimate ng mga respondent. 
 
Dagdag pa ng Ipsos, napakalayo sa katotohanan ang ‘perception’ ng mga Pinoy ayon sa totoong dami ng mga biktima ng terror attacks sa mundo, mga dala­gang-ina sa Pilipinas, mga may sakit na diabetes, mga nag-suicide, mga may sasakyan, mga may cellphone at may Facebook account sa bansa.
 
Sa madaling salita, konklusyon ng survey na tunay na sadyang mapaniwalain ang mga Pinoy sa fake news at exagge­rated sa paglalahad nila ng balita — mahilig lang daw talaga magpalobo ng mga isyu si Juan, higit sa lahat ng tsismis! 
 
Paliwanag ni Bobby Duffy, managing director ng Ipsos London, nagmula o epekto raw ang ‘errors of judgment’ ng pamamaraan sa pagpapahayag ng balita ng media at kadalasan dahil sa ‘psychological or mental shortcuts and biases’ nation bilang ­mga tao. 
 
Tsk, tsk! Wake-up call na naman ito sa ating mga Filipino na huwag basta lamang umasa sa damdamin pagdating sa key issues. Maging mapagmatyag at mapanuri nawa tayo sa ating mga nababasa at naririnig. Importante na magkaroon palagi ng sapat na saligan o batayan ang ating mga konklusyon!