Una sa Balita

Mahal pa kaya niya ang ex niya? (last part)

By
0 17,433

Dear Dr Holmes: (shortened Nov. 21 letter­)

My name is Maria Alberto, 41, married 8 years, with 2 kids. My husband and I were both OFW in Saudi. Before marriage, hindi importante sa akin ang mga ex niya.

My husband is not a sweet type. Nasanay na din ako. We got married after 6 months.

Aminado ako, hindi ko siya mahal nu’ng una though he’s the kind na madaling mahalin.

Eventually, I loved him.

In 2015, I discovered that he’s commu¬nicating with 1 of his ex girlfriends. We fought, he assured me it was nothing. I believed him. Last month I discovered that he had a new ac¬count again. Hindi niya binigay ‘yung password niya, but I discovered that one of his FB friends in that account is the same ex as before. I know that he’s not having an affair with her now but may doubt ako sa kaniya. Minahal nga ba talaga niya ako nang totoo? Though he respects me. Kapag ba may respeto sa iyo ang asawa mo, mahal ka na? Masakit lang kasi, dra. Mahal pa kaya niya ‘yung ex niya?

Salamat po—Maria Alberto

Dear MA (Maria Alberto)

Maraming salamat sa sulat mo na una na­ting pi-nublish ng buo noong nakaraang Martes, Nov. 21. Sa huling­ kolum natin noong nakaraang Huwebes, Disyembre 7, sinabi ko na “kung hindi ka mahal ng partner mo, maaaring hindi siya magbago kahit namagalit o masaktan sa kaniyang ginagawa.”

Mayroong mga asawa na hindi alam na nasasaktan ganun ang relasyon­ ninyo. Alam ng asawa mo na ayaw mong makipag-communicate siya sa ex niya at sabi niya, balewala naman ito at titigil siya. Gusto ka pa niya maging secure ka sa relasyon ninyo.

Pero nang ikalawang­ beses na nahuli mo siya, iba na ang kaniyang­ reaksyon. Hindi niya binigay ang password niya sa iyo. Kahit gaano mo paikutin ang mga paliwanag, klaro na gagawin niya ang gusto niyang gawin kahit na gusto mo siyang tumigil.

Hindi ko alam kung mahal pa niya ang ex niya, dearest MA. Pero ang masasabi ko ay tila hindi ka na niya mahal kagaya ng dati. Kung mahal ka pa niya, makikinig siya sa iyo. O, at the very least, magkukun­wari siya na nakikinig siya sa iyo. Itong mensahe na wala siyang paki kung ano ang damdamin mo ay hindi larawan ng pagmamahal, pero ng walang kahalagahan sa relasyon ninyo. Ikinalulungkot kong sabihin ‘yan sa iyo, pero mas mabuting malaman mo na ito, diba, MA, kaysa bolahin mo ang sarili mo? Sana sulatan mo muli ako kung alam mo ang gusto mong gawin tungkol rito. Ingat – MG Holmes

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes