Mahal pa kaya niya ang ex niya? (6)

By

Dear Dra. Holmes (shortened Nov. 21 letter):

My name is Maria Alberto, 41, married 8 years, with 2 kids. My husband and I were both OFW in Saudi. Before marriage, hindi importante sa akin ang mga ex niya.

My husband is not a sweet type. Nasanay na din ako. We got married after 6 months.

Aminado ako, hindi ko siya mahal nu’ng una though he’s the kind na madaling mahalin. Eventually, I loved him.

In 2015, I disco­vered that he’s communicating with 1 of his ex girlfriends. We fought, he assured me it was nothing. I believed him. Last month I discovered that he had a new account again.

Hindi niya binigay ‘yung password niya, but I discovered that one of his FB friends in that account is the same ex as before.

I know that he’s not having an affair with her now but may doubt ako sa kaniya. Minahal nga ba talaga niya ako nang totoo? Though he respects me. Kapag ba may respeto sa iyo ang asawa mo, mahal ka na? Masakit lang kasi, dra. Mahal pa kaya niya ‘yung ex niya?

Salamat po – Maria Alberto

Dear MA (Maria Alberto):

Maraming salamat sa sulat mo na una na­ting pinublish nang buo noong nakaraang Martes, Nobyembre 21.

Sa huling kolum natin noong nakaraang Martes, Disyembre 5, nagbigay ako ng isang importanteng kaibahan (major difference) ng babae at lalaki kapag ang pagtataksil ang pinag-uusapan.

Para sa karamihan ng mga kababaihan, sapat na sa kanila ‘yung makipag-email/chat/usap sa ex para maging taksil na ito sa kasalukuyan nilang partner.

Malamang, ‘yan ang dahilan na masamang-masama at masakit na masakit ang ginawa ng asawa mo.

Para naman sa karamihan ng mga kalalakihan, hindi taksil kung salita lang  o kahit video – ang nangyari. Kailangang may pisikal talagang nagyari bago ituring nila itong pagtataksil ng asawa nila.

Alam ko, nakakapagtaka dahil kapag ang misis nila ay gumawa ng mas kaunti du’n, sila pa ang galit na galit.

Hindi ko sinasabi na ok itong double standard na ito. Sinasabi ko lang ang saloobin (attitude) at paniniwala ng mga lalaking Pinoy ngayon. At, nakalulungkot rin ang saloobin at paniniwala ng karamihan ng ating mga Pinay ngayon. (FINAL INSTALLMENT THIS WEEK. PROMISE)
***
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes.

SHARE