Una sa Balita

Mahal pa kaya niya ang ex niya? (5)

By
0 198

Dear Dra. Holmes (shortened Nov. 21 letter)­:

My name is Maria Alberto. 41, married 8 years, with 2 kids. My husband and I were both OFW in Saudi. Before marriage, hindi importante sa akin ang mga ex niya.

My husband is not a sweet type. Nasanay na din ako. We got married after 6 mos. Aminado ako, hindi ko siya mahal nu’ng una though he’s the kind na madaling mahalin. Eventually, I loved him.

Abante Hiring – IT dep

In 2015, I disco­vered that he’s communicating with 1 of his ex girlfriends. We fought, he assured me it was nothing. I believed him. Last month I discovered that he had a new account again.

Hindi niya binigay ‘yung password niya, but I discovered that one of his fb friends in that account is the same ex as before.

I know that he’s not having an affair with her now but may doubt ako sa kanya. Minahal nga ba talaga niya ako nang totoo? Though he respects me. Kapag ba may respeto sa’yo ang asawa mo, mahal ka na? Masakit lang kasi, Dra. Mahal pa kaya niya ‘yung ex niya?

Salamat po – Maria Alberto

Dear MA (Maria Alberto):­

Maraming salamat sa sulat mo na una na­ting pi-nublish nang buo noong nakaraang Martes, Nobyembre 21.

Sa huling kolum natin noong nakaraang Sabado, Disyembre 2, sinabi ko na may maraming iba’t ibang mga dahilan (maliban sa pag-ibig) kung bakit nagko-kontakan pa rin ang mga mag-ex.

Una, napaka-lungkot maging OFW. Minsan, kahit na alam mo na mahal na mahal ka ng asawa at mga anak mo, minsan pa rin, akala ng mga OFW na parang may karapatan silang magkaroon ng ‘bonus’ (?) na may kaunting kapilyuhan at payag (ang asawa), dahil sa laki ng sakripisyo nila.

Aaminin ko na, sa aking karanasan, ang mga OFW na lalake lang ang alam kong ginagawa itong dahilan.

Kahit na wala akong duda na mayroon ring mga babaeng kaya ring gawin itong dahilan, so far, wala pa namang ginamit ito bilang dahilan para mag-contact sa ex.

‘Yan ang isang kaibahan kasi ng karamihan ng mga lalake at karamihan ng mga babae.

Para sa mga kababaihan (karamihan lang, ok? Hindi lahat), taksil na sa kanila ‘yung makipag-email/chat/usap sa ex kung mayroon na silang partner.

Hindi kailangan ng pagsisiping o kahit anumang pisikal na mangyari bago nila i-tratong taksil na ang ginagawa nila. (TO BE CONTINUED)

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes.