Una sa Balita

Mahal pa kaya niya ang ex niya? (4)

By
0 190

Dear Dra. Holmes (shortened Nov. 21 letter):

My name is Maria Alberto. 41, married 8 years, with 2 kids. My husband and I were both OFW in Saudi. Before marriage, hindi importante sa akin ang mga ex niya.

My husband is not a sweet type. Nasanay na din ako. We got married after 6 mos. Aminado ako: Hindi ko siya mahal nu’ng una though he’s the kind na mada­ling mahalin. Eventually­, I loved him.

In 2015, I discovered that he’s communicating with 1 of his ex girlfriends. We fought, he assured me it was nothing­. I believed him. Last month I discovered that he had a new account again.

Hindi niya binigay ‘yung password niya, but I discovered that one of his fb friends in that account is the same ex as before. I know that he’s not having an affair with her now but may doubt ako sa kanya.

Minahal nga ba talaga niya ako nang totoo? Though he respects me. Kapag ba may respeto sa’yo ang asawa mo, mahal ka na? Masakit lang kasi, Dra. Mahal pa kaya niya ‘yung ex niya?

Salamat po — Maria Alberto

Dear MA (Maria Alberto):

Maraming salamat sa sulat mo na una na­ting pi-nublish nang buo noong nakaraang Martes, Nobyembre 21.

Sa hu­ling kolum natin noong nakaraang Huwebes, Nobyembre 30, sinabi ko na kahit na hindi ako nakakasigurado sa sagot ng ikatlong tanong mo, mayroon akong masasabi sa iyo na sana ay makakapukaw ng damdamin mo.

Ang ikatlong tanong mo ay mahal pa kaya niya ang ex niya?

Sa aking karanasan bilang sikolohista, kahit na hindi pa rin tumitigil ang pag-kontak sa isang ex kahit na isa, dalawa, tatlo o kahit ilang beses na siyang nahuli ng misis niya, hindi ibig sabihin na mahal pa rin niya itong ex niya.

Eh, ano pa kayang puwedeng ibig sabihin nito?

Una, ang konting ‘bad news’: Maaaring akala ng lalake na mahal pa rin niya ang ex niya, pero kapag napuwersa siyang pumili, pipiliin pa rin niya ang kaniyang misis (ikaw) at inyong mga anak.

Pero sana, dearest MA, huwag mong isipin na minumungkahi ko na puwersahin mo siyang pumili, ok, MA?

Mayroon kasing iilang mga lalake na pipiliin ang ex hindi dahil mas mahal niya ito, pero dahil ayaw nilang pinupu­wersa silang mamili ng misis nila. (Para bang pinaparusahan ng misis nila).

Ang mas nakakapukaw (inspiring) na balita ay, maraming mga iba’t ibang dahilan maliban sa pagmamahal kung bakit laging nagko-kontakan pa rin ang mag-ex, at mada­ling magtagumpay sa ganitong mga sitwasyon. (TO BE CONTINUED)