Una sa Balita

Mahal pa kaya niya ang ex niya? (3)

By
0 150

Dear Dra. Holmes (shortened Nov. 21 letter):

My name is Maria Alberto. 41, married 8 years, with 2 kids. My husband and I were both OFW in Saudi. Before marriage, hindi importante sa akin ang mga ex niya.

My husband is not a sweet type. Nasanay na din ako. We got married after 6 mos. Aminado ako: Hindi ko siya mahal nu’ng una though he’s the kind na madaling mahalin. Eventually, I loved him.

In 2015, I discovered that he’s communicating with 1 of his ex girlfriends. We fought, he assured me it was nothing. I believed him.

Last month I discovered that he had a new account again. Hindi niya binigay ‘yung password niya, but I discovered that one of his fb friends in that account is the same ex as before. I know that he’s not having an affair with her now but may doubt ako sa kanya.

Minahal nga ba talaga niya ako nang totoo? Though he respects me. Kapag ba may respeto sa’yo ang asawa mo, mahal ka na? Masakit lang kasi, Dra. Mahal pa kaya niya ‘yung ex niya?

Salamat po – Maria Alberto

Related Posts

Dear MA (Maria Alberto):

Maraming salamat sa sulat mo na una nating pi-nublish nang buo noong nakaraang Martes, Nobyembre 21. Sa huling kolum natin noong nakaraang Sabado, Nobyembre 25, inumpisahan kong sagutin ang iyong unang tanong: “Minahal ka ba talaga niya”?

Ang sabi ko ay, kahit na hindi ko matitiyak na tama ang sagot ko, lalo na dahil hindi pa kami nag-usap, ang aking kutob ay malaking-malaking probabilidad na oo, talagang minahal ka niya nang tunay. Mahirap magkunwari ng pag-ibig kapag naninirahan kayo nang magkasama 24/7 nang 8 taon.

Ang ikalawang tanong mo naman ay (2) Kapag ba may respeto sa’yo ang asawa mo, mahal ka na? Ang sagot du’n ay hindi garantisado na kung may respeto ang isang tao para sa iyo, mahal ka rin niya. Halimbawa: Malaki ang respeto ko para kina Ombudsman Conchita Morales at Chief Justice Sereno, pero hindi ko masasabing mahal ko sila nang malalim.

Ang huli mong tanong ay (3) Mahal pa kaya niya ‘yung ex niya? Hindi ko rin ‘yan masagot nang may garantisadong tama, dearest Maria. Pero sana masagot ko nang mas kompleto sa susunod na kolum natin. (TO BE CONTINUED)

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes.