Una sa Balita

‘Mahal na Senyor’ photo wagi sa Germany

0 443

NAIUWI ng Filipino photographer na si Marlon Villaverde ang panalo para sa photojournalist category ng 2019 EyeEm Awards na ginanap sa Berlin, Germany kamakailan.

Nagwagi ang Pinoy photographer na tubong-Lucban, Quezon ang panalo para sa entry nitong ‘Mahal na Senyor’ o ‘Image of the dead Christ’.

Kinokonsidera ang nasabaing award giving body bilang pinakamalaking kompetisyon sa photography sa buong mundo at sinalihan ng tinatayang milyong mga photographer mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Nakuha umano ni Villaverde ang larawan sa Lucban habang nagsasagawa ng prosesyon para sa Mahal na Senyor bilang bahagi ng pagdiriwang ng mga Katoliko sa Kuwaresma.

Inalay ni Villaverde ang pagkapanalo para sa kanyang hometown at sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy