Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Mahal na mahal kita’: Eddie hagulgol sa burol ni Susan

0 141

Magkahalong halakhak, iyak ang naramdaman ng mga dumalo sa eulogy para kay yumaong reyna ng pelikulang Pilipino, Miss Susan Roces.

Hindi kinaya ng mga nasa burol ang mga kuwento ni Eddie Gutierrez, ka-love team ni Miss Susan, na nagsimula pa nga mahigit 60 taon na ang nakalipas.

Kinuwento ni Tito Eddie ang mga pinagsamahan nila ni Susan. Mga pelikulang hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa kanyang alaala.

Nakakabilib ang kuwento ni Tito Eddie, na memoryado pa niya ang bawat detalye, sa kung paano sila nagsimulang maging magka-love team ni Miss Susan, at kung paano rin nabuo ang kanilang tunay nag pagkakaibigan.

Kinuwento ni Tito Eddie ang suporta sa kanya ni Miss Susan mula noong magkasama sila, hanggang sa bago ito pumanaw.

Nakakaaliw rin ang naging karanasan nila sa Las Vegas, noong nagsyuting sila ng pelikula nila, na kung saan ay nakilala, nakausap nga nila si Elvis Presley, na pareho nilang idolo.

Nagtiyaga na silang magpuyat, para lang makita si Elvis. At sulit na sulit naman, dahil napakabait, at napaganda ng pakikisama sa kanila ni Elvis.

Anway, nasundan pa nang nasundan ang mga proyekto ng dalawa. At kahit kasal na nga si Miss Susan kay yumong Fernando Poe, Jr., ang kinikilalang ‘Da King’ ng pelikulang Pilipino, hindi nawala ang kanilang pagkakaibigan.

Sa pagbabalik ni Tito Eddie mula sa matagal na paninirahan sa Amerika, si Miss Susan pa rin ang naka-tandem niya. At lalo raw dumami ang pelikula nilang dalawa mula noon.

Nakatakda sana silang gumawa ng pelikula ngayon, pero hindi pa nga nasimulan `yon.

Anyway, bagamat nakakatawa nga ang mga kuwento ni Tito Eddie, kung ano si Miss Susan sa tunay na buhay, kung ano ang pagkakakilala niya rito, sa bandang dulo ay lumuha nga ito nang husto.

“Kaibiga ko siya for more than 60 years. Lahat ng kuwento ko sa kanya, siya rin sa akin. Naging very-very close kami.

“Sabi nga ng ibang fan sa akin, hindi ko raw ba naging girlfriend si Susan? Sabi ko, hindi. Never kong niligawan si Susan. We were just partners.

“Noong birthday niya, all of a sudden naging malungkot siya. Tapos, nagpaalam na kami. Sabi niya sa akin, take care.

“Mahal na mahal kita Susan! Ikaw rin Eddie, mahal kita, sabi niya.

“I miss you. And you will always be a part of my life.

“See you in heaven. By…” humikbing sabi ni Tito Eddie habang nakatingin sa labi ng yumaong beteranang aktres.

Makikita nga ang pag-iyak ng mga tao sa paligid sa mensahe ni Tito kay Eddie. At kahit ako na nanood lang sa Facebook ay naiyak nang husto. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.