Una sa Balita

Mahabang proseso para sa PBA kume

By
0 930

Medyo matatagalan pa ang paghahanap ng panibagong PBA commissioner matapos magbitiw ni Chito Narvasa sa kanyang ­puwesto.

Ayon sa isang governor, magpupulong ang PBA Board sa darating na Enero 25, para lubos na mapag-usapan ang kanilang paghahanap ng ika-10 commissioner ng Philippine Basketball Association (PBA).

“Ewan ko sa iba (governors) kung may napapag-usapan na pero as far as I’m concerned, wala pang umaabot sa akin, kahit na list of candidates,” ayon sa isang source ng Abante.

“Only in our meeting would the ­matter be tackled, how we will conduct the search, who will make up the search committee, kung kailangan pa ba ng headhunter group like before, and such.

“Basta, what I’m sure of is that it will be a long tedious process.”

At mayroon pang balita ang source na may matutunog at nag­lulutangan nang mga pangalan na kuwalipikadong kandidato para sa nasabing puwesto.

“Hindi puwedeng all 12 governors pipili. May kanya-kanyang kandidato at mau­uwi lang sa away iyan,” sambit pa ng isang governor.