Una sa Balita

Mahabang pahinga ng Alaska lulubusin ni Coach Compton

By
0 339

WALANG player ang Alaska sa 20-man pool ni Yeng Guiao na paghuhugutan ng final lineup na isasagupa sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Nag-break ang PBA para bigyang-daan ang dalawang laro ng Pilipinas sa Nov. 30 kontra Kazakhstan, at Dec. 3 laban sa Iran. Parehong sa MOA Arena ang matches.

Sa Dec. 5 na uumpisahan ang Governors Cup Finals sa pagitan ng Alaska at Magnolia Pambansang Manok.

Nov. 17 tinapos ng Aces ang semifinals series nila ng Meralco 3-1, isang araw matapos ding sipain ng Magnolia ang Ginebra sa parehong series win.

May 17 araw na pahinga ang magkatunggali, pero mas magagamit ng Alaska ang break para mag-ipon ng lakas.

“We don’t have anybody on Gilas so hopefully, we can heal up,” ani Aces coach Alex Compton. “We will be cheering for Gilas, that’s for sure. Hopefully, we can rest a little bit.”

Sa kabilang banda, kasama sa tinapik ni Guiao sa pool sina Magnolia stars Paul Lee at Ian Sangalang.

Nananakit ang hita ni Lee pero lumaro pa rin sa Game 4 ng semis at off the bench ay tumapos ng 11 points, huli ang pressure packed free throws sa final 13 seconds na nagselyo sa 112-108 panalo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy