Una sa Balita

Magulang na ‘di magpapabakuna ng anak ‘wag parusahan — DOH

0 349

HINDI pabor si Health Sec. Francisco Duque III sa isinusulong na pagpapataw ng parusa sa mga magulang na bigong mapabakunahan ang kanilang mga anak.

Ayon sa kalihim, hindi naman kailangang parusahan ang mga magulang para lamang mapilit na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Mas makabubuti umanong gawin ay maipamulat at maipaliwanag ng mabuti sa mga magulang ang kahala­gahan ng kumpletong bakuna sa mga bata.

Sinabi ni Duque na ang bakuna ay proteksyon para sa anumang nakamamatay na mga sakit, tulad ng dengue.

Kung hindi umano makakapunta sa health centers ang mga magulang, mayroong mga personnel at team ng DOH na nagbabahay-bahay para matiyak na mabibigyan ng bakuna ang mga bata.

Nabatid na sinimulan na ng DOH hahapon, ang panibahong round ng Sabayang Patak Kontra Polio, sa National Capital Region at Min­danao.

Inaasahan ng Kalihim na mas maraming bata ang mababakunahan o mapagkakalooban ng oral polio vaccine matapos na umakyat na sa walo ang kumpirmadong kaso ng polio sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More