Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magtropang BTS fan tumulong sa mga Aeta

0 160

Kinagiliwan ng mga bata at maski ng matatanda ang mga awitin na may makahulugang liriko mula sa kilalang South Korean boy band na BTS. Ang paghanga sa BTS ang nagsilbing pundasyon ng dalawang magkaibigan na tubong Bulacan upang masimulan ang kanilang layunin na tumulong sa kalikasan at komunidad sa Zambales.

Umani ng iba’t ibang komento sa mga netizen ang proyekto nina Danielle at Kea na “0613 Build the Soop,” na hango ang pangalan sa kanta ng BTS na “In The Soop.” Ang ‘soop’ sa wikang Korean ay nangangahulugang ‘gubat’.

Karamihan sa mga netizen ay namangha pero may mangilan-ngilang nagtataka kung bakit naisipan nilang gawin ang proyektong tulong kalikasan kaya hindi na nila napigilan ang sarili na magpaabot ng mensahe upang mas lumawak pa ang kanilang adhikain.

“It’s a project on raising fund para makabili ng trees na for reforestation sa Zambales. Hindi lang po siya para sa reforestation; it is also to help the Aeta community,” banggit ni Kea tungkol sa 0613 Build the Soop.

“Kakaiba po lyrics nila (BTS). Ayun po, ‘yong kanta po na ang title ay “I’m Fine,” and then it’s kinda related po sa mental health so medyo nagulat po ako and during that time, parang I felt like it’s really hope for me po,” paliwanag naman ni Danielle tungkol sa nagustuhan niya sa 7 member group.

Noong Oktubre 21, nakalikom na ang magtropa ng pondo para sa 500 seedling. Ang kada butil ng kanilang pagod ay napawi nang matulungan nila ang isang Aeta na magsasaka at ang pamilya nito. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.