Una sa Balita

Magtropa huli sa granada at shabu

By
0 177

TIMBOG ang isang magkaibigan nang mahulihan ng shabu at granada sa ikinasang buy-bust operation sa Valenzue­la City, kamalawa nang gabi. 

Kinilala ni P/Insp. Edwin Malaay, head ng Police Community Precinct (PCP) 2, ang mga suspek na sina Michael Angelo Tagulao, 34-anyos, at Denver Santor, 26, kapwa naninirahan sa Compound 3, Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod. 

Kuwento ni Malaay, dakong alas-9:51 nang gabi, ikinasa nila ang buy-bust operation sa nabanggit na lugar kasama ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU). 

Target ng mga pulis sina Tagulao at Santorna na kilalang tulak sa Sitio Kabatuhan, kungsaan si P02 Arvin Lirag ang nagkunwaring buye­r at umiskor ng ha­lagang P2,000 na shabu. 

Nang iabot na ng mga suspek ang droga sa parak, sumenyas na ang huli kina SP01 Roberto Santillan at P01 Khollen Primo at dinakip na sina Tagulao at Santor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy