Una sa Balita

MAGTRABAHO KAYO! — DU30

By
0 7

“Technically, kayong mga taga-gobyerno, when you are not there to serve the people, you’re committing estafa. It’s not clearly defined but the act is actually swindling. It’s under Article 8 of the Revised Penal Code. You’re swindling the people. Bayad ka ng otso oras tapos andyan ka na lang dalawa, tatlong oras, pas­yal-pasyal. Magtrabaho kayo.”

Sa isang ­video na isinapubliko ng Malacañang, pinuna ni Pangulong Rodrigo­ ‘Digong’ Duterte ang extended na lunch break ng mga kawani­ na makikita sa mga malls, ang labas-pasok at lakad-lakad sa kanilang tanggapan gayundin ang maagang pag-uwi para makapag-stroll sa mga malls.

Paalala ni Pangulong Duterte, bayad ang mga kawani kaya naman dapat gampa­nan ang kanilang trabaho sa loob ng 8-oras kada araw.

“Bayad tayo. So ‘pag inindian mo ang tao, wala sa opisina mo, after lunch break nasa mga mall, nagpapasyal-pasyal, ‘pag nangyari ‘yan uli, dismissed ka,” pahayag ni Pangulong Duterte kung saan sinabi pa nito na maaari pang makasuhan ng estafa at swindling ang tiwaling empleyado na ito dahil tumatanggap sila ng bayad sa hindi naman tamang serbisyo.

Inulit din ng Pangulo na ayaw niya na pabalik-balik sa mga tanggapan ang publiko dahil hind­i naibigay ang kanilang mga kailangang permit.

“Give him/her a shopping list, ‘yung requirements i-produce mo, ganu’n, tax, medical certificate o birth certificate. Huwag pagkatapos pagbigay mo sa tao, huwag mo na dagdagan. Pabalik-balik, lalo na ‘yung mahihirap. Ang Pilipino sige bayad sa kalokohan.

Ngayon, pagka natapos niya ‘yan, na-produce niya lahat ‘yan, tanggapin na ninyo, ilabas na ninyo ang permit,” anang Pangulo.

Pinagbabawalan din umano ang mga opisyal­ at kawani ng gobyerno na pumasok sa mga casinos at hinimok nitong mamuhay lamang ng simple at hindi magastos.

Pagdating umano sa pagbiyahe ay sa economy lamang.

“Hanggang economy­ lang tayo. Sabihin niyong magdagdag kayo pero ganu’n din, kalahati ng binayad ninyo pera ng tao. You do not have the right to spend people’s money nang ganu’n,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ang lahat ng mga reklamo ay kanyang tututukan at aaksyunan at ang lahat umano ng sumbong ng publiko ay makararating sa kanya sa pamamagitan ng itatatag na hotline 8888 na inaasahang maipatutupad sa susunod na buwan.

“I will take action immediately,” pagtiyak pa nito.