Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magtotobetsky wow sa Condition Race

0 16

MULING nasilayan ang husay ni Magtotobetsky matapos manalo sa Condition Race Merged (10) noong Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nakitaan din ng magandang pagdadala si jockey AR Villegas, lumabas ng malayong pang-apat si Magtotobetsky upang panoorin si Best Regards na may hawak ng bandera.

Nasa segundo at tersero naman sina UND Kantar at Kid Baloloy.

Papasok ng far turn ay umusad papalapit sa unahan si Magtotobetsky at sa pagsapit ng huling kurbada ay kumapit na ang winning horse kay Best Regards.

Bakbakan sa rektahan sina Best Regards at Magtotobetsky at nanaig ang huli ng ulo lang ang pagitan.

“Ang ganda ng laban, umaangat kami sa kinauupuan namin, mabuti lumampas si Magtotobetsky,” saad ni Mandy Romero, mananaya sa OTB.

Inirehistro ni Magtotobetsky ang tiyempong 1:35.8 sa 1,500-meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Dumating na tersero si Gomper Girl habang pang-apat si Kid Baloloy. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.