Una sa Balita

Magtatay mula Tanay naki-party sa Ginebra

0 304

BIDA ang Barangay Ginebra noong Biyernes sa Game 5 ng PBA Governors Cup sa MOA Arena.

Makalipas ang tatlong araw, ang laksa-laksang Ginebra fans naman ang sentro ng atensiyon sa grand celebration sa Metro Tent sa Pasig.

“Grabe!” bulalas ni coach Tim Cone nang makita ang crowd.

Linggo pa lang ay nag-camp out na ang ibang diehard sa paligid ng Metro Tent para siguradong makakapuwesto sa selebrasyon Lunes nang gabi.

“Nun kasing 2017 (Governors Cup championship celebration), hindi kami nakapasok,” ani Mang Conrad Balanghay, galing pa ng Tanay kasama ang dalawang anak na lalaki na edad 12 at 9.

Sa bawat sigaw ni Cone ng “Gi-neb-ra!” ay sinusundan ng mas naka­kabinging hiyaw ng fans.

Tinalo ng Gins ang Meralco sa limang laro, huli 105-92 sa MOA Arena, para bawiin ang korona ng season-ending conference. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More