Una sa Balita

Magtanggol hindi sinabotahe ni Dalisay

0 1,323

Halos tatlong taon nang umeere ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ pero hindi pa rin lumalamlam ang suporta ng mga manonood dito.

Marami na ang sumubok patumbahin ito, at ang most recent addition nga sa listahan ay ang ‘Victor Magtanggol,’ pero wala pa rin itong panama. Patunay na hindi pinagsasawaan ng mga manonood ang kwento nito.

Biro pa ng iba, hindi naman daw kailangan ni Cardo na magkaroon ng superpowers para lang mapanood. Kasi naman, alam mong orig at makatotohanan ang ipinapakita nitong kwento. Siksik pa ito sa aral tungkol sa pamilya at pagi­ging makaba­yan, kaya talagang malapit ito sa puso ng masa.

Hindi rin maubusan ang serye ng twist na magpapasabik sa mga manonood, gaya na lang ng mulin­g pagbabalikan nina Cardo (Coco Martin) at Alyana (Yass­i Pressman), na talaga namang sinubaybayan ng lahat.

Higit sa lahat, kompleto ang rekado nito na may action, drama, kilig, at pati na rin sundot ng comedy na kuhang-kuha ang pulso ng madla.

“Nakakatawa ang mga nabasa naming posts ng ilang netizens na sinasabotahe raw ang Victor Magtanggol dahil nawawalan ng cable signal kapag umeere ang serye. Bakit sa tuwing natatalo ang show ng Siyete, tumatahol ang netizens ng ‘sabotahe’ kuno? Nakakasawa na rin ang reklamong ito na hindi naman totoo at walang basehan,” sabi pa ng mga kakampi ni Cardo.