Una sa Balita

Magsyotang ABS-CBN boss: tinukso kami ni Fulido

0 3,644

Nilinaw ng dalawang executive ng ABS-CBN na hindi nila minanyak ang showbiz reporter na si Gretchen Fullido, bagkus ang huli ang laging sumisiksik sa kanila, naglalambing at tila nanunukso.

Ito ang depensa nina ABS-CBN News executive Cheryl Favila at ‘TV Patrol’ segment producer Maricar P. Asprec sa isinagawang internal investigation ng kompanya matapos silang ireklamo ni Fullido.

“Kahit minsan hindi niya kami kinausap or tinext man lang na hindi niya gusto ang pakikitungo o mga sinasabi namin sa kaniya. Higit sa lahat, siya pa ang lapit nang lapit sa main ni Chair (Favila). Kami pa nga ang tumatanggi na sa mga imbitasyon niya. Nagsasabi rin siya ng ‘I love you’ sa amin,” ayon sa affidavit ni Asprec.

Binanggit naman ni Favila na minsan na niyang pinagsabihan si Fullido sa text message noong Enero 7, 2016 na huwag masyadong dumidikit sa kanya tuwing office hour dahil marami ang nakakakita sa mga nakaluwang bahagi ng katawan nito.

“If I recall this correctly, Gretchen Fullido was wearing a blue dress with part of her cleavage showing. It was a very sexy outfit,” ayon sa affidavit ni Favila.

Nagmistulang eksena sa pelikulang Basic Instinct ang kasunod, lalo na ang parteng nag-crossed leg ang aktres na si Sharon Stone sa harap ng kalalakihan.

“Her face was so close to me and it made me a bit uncomfortable because people in the newsroom were loo­king at us. I couldn’t step back because I was standing while leaning on my desk. Then, she sat on the desk right in front of me and crossed her legs, which made her outfit more revea­ling,” ani Favila.

“If I would put ma­lice in it, I would say she was seducing me,” dagdag pa niya.
Nagkaroon din umano ng pagkakataon na nagyaya si Fullido sa bar sa BGC, Taguig, bilang kanyang ‘Thursday girl’ date at makalipas ang ilang oras at isakay niya ito sa sasakyan pauwi ng kanyang bahay sa Pasig, tumihaya ito sa loob ng kotse.

“If I were to put malice in her act, I would say that at that point she was trying to seduce me. But I did not entertain the thought and just drove her to their house in Pasig,” ani Favila.

Ang kopya ng affidavit nina Favila at Asprec ay bahagi ng isinumite nila kay Regina E. Reyes, Head of Integrated News, noong Enero 2018. Noong nakaraang Biyernes, kinasuhan ni Fullido ng sexual harassment ang dalawa sa Quezon City Regional Trial Court, habang libel case naman sa tatlo pang ng ABS-CBN.

Sa isinumite namang complaint ni Fullido sa QCRTC, nasa isang bahagi ng dokumento ang mga katagang inuutusan umano siya ni Asprec na maging malambing kay Chair kapag mainit ang ulo nito dahil crush umano siya nito.