Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magsayo taya pati pato kontra Russell

0 201

TIWALA si Filipino fighter Mark Magsayo na makakaungos ito sa nalalapit niyang laban kontra WBA featherweight champion Gary Russell Jr. ngayong Enero 21 (Enero 22 sa Pilipinas).

Malakas ang loob at kumpiyansa si ‘Magnifico’ Magsayo dahil nagtodo ensayo ito sa loob ng halos apat na buwan.

“I’ve been training for three-and-a-half months now, so I’m going to be well prepared for this fight,” aniya kung saan naisabak din siya sa maangas na sparring partner na swak na pangtumba kay Russell.

“I’ve had had great sparring partners to prepare me for Russell and give me the same looks that he’ll give me on fight night.”

Ito rin kasi ang una niyang tsansang makasungkit ng world title kaya pinaghandaan niya ito nang todo katuwang ang world class boxing trainer na si Freddie Roach.

“I’m going to be the stronger fighter against Russell. We trained every day with Freddie Roach, and we’ve worked on a lot of different techniques we’ll use in this fight,” sey pa nito.

“This is my first world title fight and I’m going to give it my all.”

Gaganapin ang upakang Magsayo (23-0) at Russell (31-1) sa Borgata Hotel Casino and Spa sa Atlantic City. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.