Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magsayo gigil kay Russell

0 6

MAGKAKAROON na ng katuparan ang pangarap ni Filipino fighter Mark Magsayo kung makakasagupa niya sa lona si long-reigning WBC champion Gary Russell Jr.

“If I have an opportunity to fight Gary Russell, then my dream fight would come true,” hirit ni Magsayo kung saan hindi nito ipinagkakailang target niyang makasungkit hindi lang basta international belt kundi world title.

“I want the WBC title, of course,” pag-amin pa nito at matutupad lamang aniya ito kung kakasahan ni Russel ang kanyang hamon. “If Gary Russell’s not moving up, I want to fight him.”

Magugunitang pinatumba ni 26-anyos Pinoy boxer Magsayo si Julio Ceja sa undercard fight niya kay Manny Pacquiao noong Agosto 21 sa Las Vegas.

Hawak ngayon ni ‘Magnifico’ Magsayo ang 23-0 panalo-talo kartada habang si Olympian Russel ay may 1 talo lang sa loob ng 32 bakbakan. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.