Una sa Balita

Magsasama sa movie? Richard, Daniel, Coco super bonding sa party

0 306

abante-anything-goes-jun-lalin
Napadpad ako sa DAR (Department of Agrarian Reform) noong isang araw, Dondon, at kinulit-kulit ako ng mga tagaroon kung ano raw ang next project ni Richard Gutierrez sa ABS-CBN?

Actually, inaayos lang ‘yung sa tele-serye nila ni Bea Alonzo para makapagsimula na sila. Pero the good news is, nag-meeting na sila ng mga taga-Star Cinema noong Thursday at may sisimulan na siyang movie very, very soon.

Sabi ni Annabelle Rama na um-attend sa meeting na ‘yon kasama si Richard, parang June 17 na ang start ng shooting.

Nagkita nga pala kami ni Richard sa ABS-CBN noong Thursday night. Kasama niya si Sarah Lahbati at um-attend sila sa birthday party ni Ms. Cory Vidanes.

Matipid magkuwento­ si R­ichard, pero isang invited din sa event na ‘yon ng lady boss ng Kapa-milya network ang nagtsika sa akin na enjoy si Chard dahil sobrang bon-ding sila nina Coco Martin at Daniel Padilla.

Ayaw pa nga raw sanang umalis ni Richard nang magpaalam na ang nanay niya na uuwi, pero mukhang umandar ang jet lag ng aktor, kaya umuwi na rin.

Kung matatandaan, sobrang naging close si Richard kay Daniel nang gawin nila ang “La Luna Sangre” at si Coco naman, nakasama niya noong araw sa “Click.”

Siyanga pala, busy rin sina Ri-chard at Sarah sa paghahanda para sa baptismal ng bunso nilang si Kai.

Bale ‘yon na rin daw ang first birthday celebration ng bata (he turned one noong March 21). Very soon daw ay ia-announce na ng mag-fiancé ang list ng mga ninong at mga ninang ni Kai na karamihan ay close friends nila.

Actually, nasilip ko na ang lists ng godparents ni Kai, pero ayokong unahan sina Ri-chard at Sarah sa pag-a-announce, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy