Una sa Balita

Magsasaka tinamaan ng kidlat sa Benguet

By
0 853

PATAY ang isang magsasaka matapos itong tamaan ng kidlat habang nagtatanim sa Brgy. Sipital, Bakun, sa lalawigan ng Benguet noong Huwebas, May 10.

Ang biktima na nagtamo ng 3rd degree burn ay nakilalang si Michael Pusayen, 33-anyos, ng nasabing barangay.
Sa report ng Bakun Police Station (BPS), sa pagsisiyasat ng Bakun Municipal Office (BMO) napag-alaman na ang biktima ay nagtamo ng sunog at iba’t ibang sugat sanhi sa tama ng kidlat.

Sinabi pa ng BPS, na bago mangyari ang insidente, nagtungo si Pusa­yen sa kanyang taniman upang bisitahin ito at dito sumambulat ang malakas na kidlat at tinamaan ang biktima sa tabi ng isang pine tree.