Una sa Balita

Magsasaka tigok sa 3 araw na pagtoma

0 243

DEDO ang 50-anyos na magsasaka dahil sa hinalang nasobrahan at nalason sa tatlong araw na pag-inom ng alak sa Pagbilao, Quezon.

Isinugod sa ospital ang biktimang si Alvin Luna matapos hindi na makapagsalita at mahirapang hu­minga bago tuluyang nasawi Lunes nang tanghali habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa mga kaanak nito, Huwebes nang magsi­mulang makipag-inuman ang biktima ng pinaghalong lambanog at isang local brand ng brandy.

Muli umano nitong inupakan ang natirang lambanog noong araw ng Biyernes at Sabado habang kainuman ang isang pinsan at nakaubos ng tinata­yang nasa 3 litro ng alak.

Hanggang sa kinabukasan ay makaramdam na ito ng sintomas ng umano ay pagkalason sa lambanog.

Sa record ng ospital, respiratory failure at metha­nol toxicity ang ikinasawi ng biktima. (Ronilo ­Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More