Una sa Balita

Magsasaka sunog sa kidlat

By
0 142

Patay ang isang magsasaka makaraang tamaan ito ng kidlat sa Barangay Maytalang 2, Lumban, Laguna kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Elmar Samonte, 42-anyos.

Batay sa report ng Lumban police, bandang alas-2:30 ng hapon, habang umuulan, nag-aayos ng kanyang palayan ang biktima nang biglang gumuhit ang isang matalim na kidlat.

Nahagip ang biktima na noon ay nakatayo sa gitna ng bukid at nagtamo ito ng mga sunog sa katawan.

Agad isinugod sa ospital ang biktima suba­lit ideneklara na itong dead on arrival ng doktor. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy