Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magsasaka pinugutan na, niratrat pa

0 155

Natagpuang pugot ang ulo at tadtad ng bala ang katawan ng isang magsasaka sa Gandara, Samar.

Kinilala ang biktimang si Christopher Wahingon.

Ayon sa “State of the Nation” report, huling nakitang buhay si Wahi­ngon noong Martes ng umaga, Hulyo 6.

Lumabas sa inisyal na pag-iim­bestiga ng mga awtoridad na anim na armadong lalaki ang pumunta sa plantasyon ng biktima sa araw na nawala ito.

Sa ngayon, nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon upang mabatid ang motibo sa pamamaslang at upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.