Una sa Balita

Magsasaka nilapa ng tigre hanggang kamatayan

0 471

PATAY ang isang 55-anyos na magsasaka matapos atakehin ng isang Sumatran tiger sa isang coffee plantation sa South Sumatra, Indonesia kahapon.

Ayon sa mga awtoridad, nagsisigaw ang kasama ng biktima nang makitang papalapit na ang hayop.

Bigla na lang umanong sinunggaban ng tigre ang magsasaka, ayon sa ulat.

Isa pang magsasaka ang naunang pinatay ng Sumatran tiger sa Pagar Alam ng parehong lalawigan noong nakaraang linggo, habang namatay din ang isang coffee farmer at sugatan ang dalawang Indonesian tourist sa hiwalay na insidente noong Nobyembre.

Sinisi ni Conservation Agency official Martialis Puspito sa sunod-sunod na pagkamatay ang mga taong pumupunta pa rin sa kagubatan kahit pa binalaan nang lumayo dahil sa mga wild animal doon.

Tinuturing ng International Union for Conservation of Nature na “critically endangered” ang mga Sumatran tiger, na pinaniniwalaang nasa 400 na lang ang bilang sa ngayon. (RC)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More