Una sa Balita

Magsasaka napatay ng karelasyon ni misis

By
0 69

ALFONSO LISTA, Ifugao — Sa ikala­wang pagkakataon ay nagta­gumpay na ang suspek sa pagpaslang sa isang mister matapos sumugod ang huli sa bahay niya upang hanapin ang kaniyang misis.

Agad binawian ng buhay si Rudy Martinez, 52-anyos, isang magsasaka matapos mapuruhan ng halihaw ng itak ng umano’y karelasyon ng asawa ng biktima na nakilalang si Jaime Ortiz, 60-anyos, biyudo at kapwa residente ng Barangay San Jose ng bayang ito.

Sa imbestigasyon ng awtoridad dito, pumunta ang biktima sa bahay ng suspek para hanapin doon ang kanyang asawa ngunit sinalubong ito nang pana­naga kaya napuruhan ito at kaagad na namatay.

Batay sa record ng mga awtoridad, may nauna nang reklamo ang biktima na kasong frustrated murder kontra sa suspek makaraang muntikan na rin siyang mapatay nito dahil sa kahalintulad na insidente.

Matapos ang krimen ay sumuko ang suspek sa kapitan ng kanilang barangay na siya namang nagsuko dito sa Alfonso Lista Municipal Police Station. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy