Una sa Balita

Magsasaka nagutay sa granada sa Ilocos Norte

0 208

TODAS ang 48-anyos na magsasaka matapos masabugan ng hawak na granada sa Barangay Saguigui, Pagudpu, Ilocos Norte kamakailan.

Kinilala ni Pagudpud Police Station (PPS) de­puty chief-of-police P/Lt. Joel Corrales, ang biktima na si German Espititu, ng nasabing barangay.

Batay sa kuwento ng misis ng biktima na si Emi­ly, lumabas ang kanyang mister sa kanilang bahay nang may narinig siyang malakas na pagsabog.

Agad na lumabas ang misis at laking gulat niya ng nakitang na nakahandusay ilang metro mula sa kanilang bahay at nasabugan umano ito ng granada.

Nakarekober ang PPS mula sa crime scene ang isang deformed ng Granada.

“Hawak-hawak niya, nadisgrasya, at pumutok ‘yung granada,” ani Corrales.
Sa imbestigasyon, walang nakikitang foul play sa nangyaring insidente ang pulisya.

Ngunit ayon sa misis ng biktima, hindi ito kumbinsido dahil nawawala ang ilang kagamitan ng asawa.

Samantala, ayon kay Corrales, ang granada ay posibleng pagmamay-ari ng biktima bilang da­ting miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (Cafgu). (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy