Una sa Balita

Magsasaka, beterinaryo exempted sa home quarantine

0 402

EXEMPTED ang mga veterinarian sa ipinatutupad na mandatory home sa loob ng 30-araw kaugnay ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon, ayon sa Department of Agriculture.

Sa Palace briefing sinabi Secretary William Darnai na aprubahan ng InterAgency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Memorandum Circular No. 7 na nagpapahintulot ng mga magsasaka at veterinarian na bumiyahe sa panahon ng quarantine .

“Essential farm personnel [who work] at the production area bearing proper documentation are also requested to be accorded passage at the quarantine check – points,” ayon kay Dar.

“These include veterinarians, farmhands, and other farm and fisherfolk,” dagdag nito. Bibigyan aniya ng kinakailangang identification ang mga magsasaka at beterinaryo.

Ang mga veterinary service ay nagkaroon ng mahalagang papel pagkatapos ng pagsabog ng Taal Volcano dahil sa nangyaring avian flu outbreak at African swine fever. (Prince Golez)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More