Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magsasaka, aso todas sa kidlat

0 12

PATAY ang magsasaka at ang alaga niyang aso nang tamaan ng kidlat sa Batangas City.

Ayon sa saksing si Jomary Perez, agad na namatay ang biktima na si Jonathan Delos Reyes na nataon na kasama ang kanyang `bantay’ at naglalakad-lakad sa Barangay Libjo, Batangas City, Batangas.

Nabatid na nag-aararo ang biktima kasama ang iba pang mga magsasaka, nang biglang bumuhos ang ulan. Sinabayan din ito ng kidlat at tumama sa mga biktima.

Maliban sa nasawing biktima, pitong magsasaka din ang nasugatan sa kidlat.

Dinala na ang labi ni Jonathan sa Bicol region kung saan ito naninirahan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.