Una sa Balita

Magsanay na tayo sa new normal

0 563

Unang araw ng pagpapairal ng modified enhance community quarantine (MECQ) at General Community Quarantine (GCQ) ay tila biglang nagsilabasan sa kanilang bahay ang ating mga kababayan.

Marami ang agad na sumugod sa mga supermarket, mall at restaurant sa pagnanais na maibalik ang dating normal na gawain.

Hindi dapat na maging kampante ang lahat dahil nananatili pa rin ang paglaganap ng coronavirus disease pandemic

Bagamat naibaba sa isang bahagdan ang unang mahigpit na ECQ pero hindi dapat na gawing dahilan ito upang agad magdiwang ang lahat at bumalik sa dating gawain.

Dapat ay tanggapin natin ang tinatawag na new normal habang nagpapatuloy ang COVID-19 pandemic.

Hindi tayo babalik sa lumang normal hanggang walang natutuklasan na bakuna at lunas o gamot laban sa nakamamatay na virus.

Kaya naman ang bawat isang Pilipino ay maging responsable na maging maingat sa sarili upang hindi na kumalat ang virus.

Maging kasama na sa normal na pagkilos ang pagsuot ng face mask, social distancing at higit sa lahat ay ang kalinisan sa katawan at sikapin na maging malusog ito.

Ang lubhang nakakatakot dito ay ang second wave ng virus na nangyari sa ibang bansa na biglang nagluwag matapos makontrol ang COVID pero biglang bumalik ang kaso ng virus .

Kooperasyon ng lahat ang kailangan upang mapagtagumpayan natin ang pakikibaka sa COVID-19 pandemic dahil wala itong sinisino, bata man o matanda, mahirap o mayaman ay maaring tamaan ng virus.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More