Una sa Balita

Magsampa ng ‘petition for issuance of a writ of possession’

By
0 638

Dear Atty. Claire,

Nakabili po ako ng isang bahay at lupa sa isang auction sale. Na-foreclosed na property po ito. Sa ngayon ay nakatitulo na sa akin. Ang problema ko ay mayroon pa pong nakatira sa bahay. Ang sabi sa amin ay hindi pa umaalis ang may-ari nito kahit na ilang beses na silang nabigyan ng notice ng bangko na ito ay na narimata na. Paano ko po sila mapapaalis para magamit namin ang bahay. Gusto ko namin pong lumipat sana.

Gumagalang,
Nilda

Dear Nilda,

Ang property na nabili mo ay dating nakasangla sa bangko ngunit nang hindi nabayaran ng nagsangla ang utang nila ay pinasubasta ito ng bangko o isinama sa isang auction sale kung saan maaaring mag-‘bid’ ang nais na bumili. Sa iyong kuwento ay ikaw ang masuwerteng nakapag-bid kaya napunta na sa iyo ang property at napatituluhan mo pa.

May paraan para makapagpaalis ng mga occupant sa isang premises, bahay o lupa. Ito ay sa pamamagitan ng pagsampa ng kasong ejectment o accion publiciana kung saan ang ‘possession’ ng isang property ay iyong hihilingin sa korte.

Ngunit sa iyong situwasyon ay hindi ejectment o accion publiciana ang iyong isasampa kung hindi isang ‘Petition for Issuance of a Writ of Possession’ sa Regional Trial Court na nakakasakop sa pro­perty na iyong nabili sa isang auction. Ang pagkuha ng Writ of Possession sa korte ay naaayon kapag nakuha mo o nabili mo ang property na pinasubasta o nabili sa isang auction. Hindi mo kaila­ngang magsampa pa ng ejectment case upang makuha ang possession ng isang foreclosed property. Ang paghiling ng Writ of Possession ang pinakamabilis na paraan para makuha mo ang possession at ma-occupy mo ang iyong property.

Ang paghiling na mabigyan ka ng Order of Writ of Possession ay ang isang ex-parte proceedings na ang ibig sabihin ay hindi na kailangan pang madinig ang panig ng mga taong ibig mong paalisin dahil ang hukuman ay dapat na ma-issue ng ganitong klase ng Order kapag napatunayan mo ang legalidad o ‘pagiging totoo at tunay’ ng iyong mga dokumento kung paano napasaiyo ang property.

Kapag napakita mo na nabili mo ito sa isang auction at ito ay isang foreclosed property ay agad na mag-i-issue ng court ng Writ of Possession at mapapaalis mo kaagad ang mga occupants ng bahay at upa na nabili mo. Ngunit kahit na hindi na kaila­ngang madinig ang mga taong nais mong paalisin sa bahay at lupa na ito ay dapat silang mabigyan ng kopya ng iyong petition.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy