Una sa Balita

Magsampa ng kasong criminal sa kaskaserong tsuper

By
0 1,613

Dear Atty. Claire,

Magandang araw po. Noong nakaraang linggo ay sumakay po ako ng taxi at dahil sa sobrang bilis po ng paandar ng driver ay nabangga po ang taxi at nabali po ang braso ko.

Ako po ang gumastos sa lahat ng pagpapagamot ko at hindi man lang tumulong ang driver at ­operator ng taxi.

Ano na po ang gagawin ko?

Gumagalang,

Rachel

***

Dear Rachel,

Bilang pasahero ng isang pampublikong sasakyan ay may obligasyon ang driver nito na ihatid ka sa iyong destinasyon nang maayos at matiwasay.

Dahil sa pagiging hindi maingat ng dri­ver ng taxi ay nadisgrasya ka at kinaila­ngan mong gastusan ang pagpapagamot mo. May karapatan ka ngayon na sampahan ng kasong kriminal ang driver ng reckless imprudence resulting to physical injuries.

Alamin mo kung nagkaroon ng traffic report ang traffic offi­cer na assigned sa lugar kung saan kayo nadisgrasya at maaari mong magamit iyon para sa isasampa mong kaso.

Alamin mo na rin kung ano ba ang ginawang aksyon ng traffic officer sa naging imbestigasyon nila dahil usually ay kinukuha ng traffic officer ang lisensya ng driver kapag nakadisgrasya ito.

Maaari mo ring sampahan ng separate ang operator o registered owner ng taxi ng kasong civil para sa damages o danyos na nagastos mo dahil sa pagpapagamot mo.

Maliban sa nagastos mo ay maaari ka ring maningil ng mo­ral damages, exemplary damages at attorneys fees.

Kumpletuhin mo lamang ang mga dokumento mo para ma­ging matibay ang kaso mo.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa (02) 410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com