Una sa Balita

Magsakripisyo para sa Philippine sports

0 284

Limang buwan na lang bago ang pinakahihintay na 30th Southeast Asian Games na gagawin sa iba’t ibang lugar sa bansa simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 ngayong taon.

Ito ang ikaapat na hosting ng Pilipinas sa biennial meet, pinakahuli taong 2005 kung saan nakuha rin natin ang nag-iisang overall championship sa prestihiyosing multi-sporting event.

Pero nakakalungkot na kahit isang billboard, isang tarpaulin, leaflet o poster ay wala pa akong nakikita para i-promote ang nasabing sports spectacle.

Bakit?

Hindi ko rin alam.

Ang alam ko, at alam ng lahat, nagkakagulo pa rin sa mga oras na ito ang mga opisyales ng Philippine sports kaya naaapektuhan ang preparasyon sa SEA Games.

Masakit sa ulo ang nangyayari sa liderato ng Philippine sports, ang nagsasakripisyo at naaapektuhan ay ang ating mga atleta.

Madalas kong nari­rining sa mga sports official na dumadalo sa mga forum na ang kanilang main concern ay ang kapakanan ng mga atleta.

Pero iba naman ang nakikita natin. Kapa­kanan nga ba ng mga atleta o kapakanan ng kanilang bulsa? Nagtatanong lang po.

Nananawagan po tayo sa ating mga butihing sports leader na isantabi ang mga personal na agenda, kung talagang mahal ninyo ang Philippine sports at may malasakit kayo sa mga atleta, magsakripisyo kayo at hindi makipag-agawan sa mga posisyon.

Pakiusap lang po!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy